No plastic, no problem! ‘Sharonian’ life hack para sa gustong mag-uwi ng tiring handa, patok!

Kapag gusto, may paraan dahil sa Sharonian life hack ng isang netizen, kayang makapag-uwi ng tiring handa gamit lang ang papel at diskarte.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit wala kang baong plastic labo o Tupperware sa pupuntahan mong handaan, hindi ito problema sa mga gustong mag-Sharon ng mga tira sa handaan.

Sa isang post ng Being a Mumsy, ipinakita ng OP kung paano niya ginawang origami bag ang papel kaya’t walang problemang nakapagbalot ito ng spaghetti mula sa isang party.

Bigla namang na inspire ang mga hardcore Sharonians na biglang nagka-idea dahil sa wais hack na ito.

(Courtesy: Being a Mumsy/FB)

“Papel nalang para hindi masyado halata”

“Ba marami matutuwa nito mii”

“pwede n mg sharon khit walang plastic”

“Abay husay nga yn mi”