Mas pinadali ng GCash ang pagpapadala ng pera ng mga Pinoy sa US para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas matapos itong makipag-partner sa isang instant payments provider kamakailan.
Dahil sa partnership ng GCash at Merdian, maaari nang mag cash-in at remit ng pera mula sa 12,000 American banks, kagaya ng Bank of America, Chase, at Wells Fargo, gamit ang GCash app.
Iko-convert naman ng Gcash ang US dollars sa Philippine peso gamit ang competitive exchange rates o ang rate na nalalapit sa market rate. Nasa US$1 naman ang charge kada transaksyon, ayon sa ulat ng Philippine Star.