No more LDR! ‘Balik Bayani sa Turismo’ program para sa mga OFWs na type nang magbalik Pinas

Lumagda ng kasunduan ang Department of Migrant Workers at Department of Tourism para mabigyan ng trabaho.

Ikaw ba ay isang OFW at gusto na lamang manirahan ulit at magtrabaho sa bansa? Baka ang “Balik Bayani sa Turismo” program ang sagot sa dasal mo.

Inilunsad ng Department of Migrant Workers o DMW at Department of Tourism (DOT) noong nakaraang linggo ang nasabing programa matapos silang lumagda ng isang Memorandum of Understanding.

Layon nito matulungan ang mga OFW na nais na lamang manatili sa kanilang pamilya
sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tourism-related trainings gaya ng culinary tourism, farm tourism, homestay operations, at tour guiding.

“That’s why this partnership with the DOT is a huge help for our OFWs to come home with their families while having a sustainable source of income in the local tourism sector,” ayon kay DMW officer-in-charge Hans Cacdac, sa ulat ng GMA News.

Para naman kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang mga OFWs are “the best tourism ambassadors of the Philippines.”