No means no! Alagang aso sa Albay, nilaglag ang effort ng kanyang fur tita sa viral TikTok video

Benta sa netizens ang pag-iwas ng isang alagang aso sa halik ng kanyang fur tita.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Minsan talaga, kahit gaano pa ka-cute ang fur baby mo, may mga araw na wala silang pake.

Ito ang napatunayan ng isang tita sa isang viral TikTok video kung saan todo iwas ang Golden Retriever nilang si Shadow sa kanyang halik.

Makikita sa video na inupload sa TikTok account ng alagang aso na @shaaadow.17 na intense level ang kanyang pag-iwas sa titang nangigigil.

“BAKIT SHADOW FEELING MO BA MABANGO HININGA MO PARA DI MAGPAHALIK SA TITA MO,” ayon sa caption ng video.

@shaaadow.17 BAKIT SHADOW?😭 FEELING MO BA MABANGO HININGA MO PARA DI MAGPAHALIK SA TITA MO🙄😏 #fyp #dogsoftiktok #shadowboy #goldenretriever ♬ original sound – Shadow🐶

Kitang-kita sa clip kung gaano ka-determinado si Tita Nery na makasungkit ng halik, pero hanggang dulo, bigo siya.

Hindi man nagtagumpay si Tita Nery, panalo pa rin ang video sa netizens an relate na relate sa pa-hard-to-get na energy ng mga alagang aso.