No makeup needed! Bianca Umali, pak na pak sa ganda sa kanyang passport picture

Ipinamalas ni Kapuso star Bianca Umali ang kanyang natural na ganda sa kanyang ibinahaging passport photo.

Pinatunayan ni Bianca Umali na karapat-dapat talaga siyang kilalanin bilang sang’gre nang ibahagi niya ang kanyang passport photo sa kanyang Instagram account.

Kung ang karaniwang tao ay mukhang hulas at haggard kapag nagpapa-picture para sa mga ID, si Bianca naman ay fresh na fresh sa kanyang no-makeup look at simpleng ayos.

Pati ang kanyang boyfriend na si Ruru Madrid ay napa-comment tuloy sa kanyang post.

“Hi ganda,” bati ni RuRu na sinegundahan naman ng mga kaibigan at fans.

“SUPER SUPER SUPERRRRR PRETTY! No make up needed”

“Kendall Jenner gaming pretty”

“Ganito dapat e. Walang eme sheesh! Ang pretty!”

“Nagpa passport id rin ako e. Pero di ganyan ka pretty!”