No escape sa BINI fever! Expats, kinakabisado na rin ang lyrics ng ‘Salamin, Salamin’

Maging ang mga foreigners ay inaaral na din ang mga P-pop hits ng BINI.

Maging ang mga foreigners ay unti-unti na ding nahuhumaling sa upbeat melody ng pop songs ng BINI.

Katunayan, isang dayuhang content creator na aminadong hindi pa gamay ang salitang Tagalog ay nagbahagi ng kanyang sikretong teknik sa pagsabay at pag-awit ng “Salamin, Salamin,” isa sa mga sikat na kanta ng BINI.

Ayon kay Jordan K, hindi naman daw masyadong mahirap sabayan ang mga OPM dahil ang pagbasa ng letra ay parehas lang sa pagbasa ng Ingles. Mayroon ding mga apps na pwedeng basahin at sabayan ang lyrics para mas masanay sa lyrics at melody nito. Bilib naman ang mga BLOOMS sa effort ni Jordan. “I don’t get it how do you do the accent so well though?? I mean I’m really amazed lol” “You’re so cute!!! I love how you make efforts to learn these things” “Nice come here to the ph to meet bini” “I love how you pronounce the “TUNAY NA MOTIBO”😅 ur so cute” “OH MY GOSSHHH!! YOU’RE SO GOOD!! ❤️ your Pronunciations is so 🔥”