No bridal car, no problem! Astig na newlyweds, naisapatang nagmomotor matapos ang kanilang kasal

Bagong kasal sa Bulacan, namataan na nagmomotor matapos ang kanilang wedding vows.

Kung kadalasan sumasakay sa magarbong sasakayan ang mga bagong kasal, kakaiba naman ang naging trip ng newlyweds na ito na taga San Jose Del Monte, Bulacan. Imbes na classic o high-end na bridal car, nagmotor ang dalawa matapos ang kanilang wedding vows.

Namataan sa highway ng San Jose Del Monte ni Caren Mae Gache ang bride and groom na nagdadrive ng motor noong Hunyo 15. In-upload din ni Gache ang video ng newlyweds sa Facebook.

“Random people… Hindi po namin sila kilala pero nagagalak kami sa kanilang pag-iisang dibdib… Congrats sa inyo… Ang astig ng concept nyo… Humaharurot talaga si Ate girl… Bless your marriage…,” ang caption ni Gache da kanyang video.

Nagkomento naman ang bride na may pangalang Malaza MJoy sa FB nang makita niya ang post ni Gache.

“@ Caren May Gache thank you po sa pag congratulate samin mag asawa sa video di po namin kayo kilala, pero thankful kami sa wishes nyo. di po talaga kami nag rent ng bridal car kasi may motor naman po kami,” ayon sa komento ng bride.

Dagdag pa niya na hindi na sila nag-imbita pa ng mga bisita sa kasal dahil hindi na rin sila nag-handa ng reception para makatipid.

“Ang mahalaga ,nakasal na kami sa simbahan🙏🏻💞wala din po ako helmet kasi po dumiretso kami sa photoshoot for remembrance of our church wedding since malapit lang din po yung St.Peter church sa sto.cristo where we live🙏🏻💞,” paliwanag pa sa bride.

Natuwa naman ang mga netizen sa kakaibang trip ng bride at groom.

“Waaah ang saya! at ang saya niyo rin para sa knila Ms. Caren nakakatuwa . nakakagood vibes 🫣😁”

“Ang astig kasi ni Ate girl… Happy ako sa kanila…”

“Congrats 👏 cool nmn this couple ❤️bless you both ❤️”