Nilamon ng Sistema! Mga Pinoy, pinakamalakas manood ng K-drama sa buong mundo

Ang mga Pinoy ang pinakamasugid na manonood ng K-drama sa buong mundo.

Isang survey na isinagawa ng Insider Monkey ang nagpatunay na ang mga Pilipino talaga ang pinakamasugid na  taga-tangkilik ng Korean dramas or K-drama sa buong mundo.

Ayon sa survey, patok na patok sa mga Pinoy ang kakaibang mga formula na makikita sa Korean drama tulad na lamang ng mga isyu tungkol sa mental health, usaping pampamilya at siyempre ang mga nakakakilig na chemistry ng mga oppas sa kanilang mga leading lady.

Ayon sa artikulong lumabas sa site ng Insider Monkey, benta din sa mga manonood ang kakaibang atake sa fantasy genre kaya’t kahit taon na ang lumipas ay binabalik-balikan pa rin ito ng mga Pinoy fans.

Pumangalawa sa listahan ang Egypt, at sumunod ang Malaysia, Indonesia, Nigeria, Thailand, Vietnam, Japan, China at Brazil sa Top 10. Hindi ibinilang sa survey ang South Korea.