Iba talaga ang charisma ng mga pusa kahit pa sila ay gala. Kahit ang hindi mga superfan ng mga furry friends na ito ay mabilis naco-convert dahil sa kakaibang aliw na dulot nila sa kanilang humans.
Kaya naman marami ang naka-relate sa post ng Reels ni Inday Mikmik nang ilarawan niya ang before and after na posisyon ng kanyang ama na hindi naman talaga mahilig sa pusa dati.
Katunayan, ani ng OP, ang bilin pa sa kanya ng ama ay huwag siyang mamulot at mag-uwi ng pusa sa kanilang tahanan.
Fast forward sa kasalukuyan, at makikitang isinasayaw-sayaw pa ng kanyang ama ang kanilang alagang puspin na kasa-kasama nito sa kanilang sari-sari store.