Next level ang pagiging A’TIN ng tie-dye artist na si Meo Faustino dahil sa kanyang social media posts, ibinida niya kung paano niya nilikha ang tatlong obra na inspired nina Pinuno Pablo Nase at Ken Suson.
Ani Meo, para sa kanyang obrang “Superior Son,” ay gumamit siya ng dalawang estilo– tie dye at dye painting. Aniya, ang front design ay ang mukha ni FELIP habang para sa likod naman ay gumamit siya ng mandala design. Espesyal ang design na ito dahil ito ang kanyang unang dinisenyong wearable art.
Para sa kanyang obra na pinamagatang “Pinuno,” gumamit ng ibang disenyo para sa likuran si Meo, at nag-hand paint ng mukha ni Pablo sa unahan. Inabot raw ng isang linggo bago natapos ang wearable art na ito.
Hindi pa dito nagtapos ang series ni Meo kay Pinuno dahil gumawa pa siya ng pangalawang disenyo para kay Pablo. Sa pagkakataong ito, ipinasilip na niya ang kanyang proseso sa pamamagitan ng isang video.
Ngayon pa lang, may mga A’TIN nang nagtatanong kung pwedeng magpagawa ng sarili nilang SB19 shirt at ang good news naman ay tumatanggap ng custom order si Meo para sa kanyang mga obra.
“clean work!!! 👏👏”
“this is awesome work”
“Are you selling these po?”