New hangout alert! IG-worthy na art exhibit sa Pasay, perfect para sa barkada at fam!

Bagong atraksyon na Space & Time Cube+ nagbukas na sa Pasay City.

May dagdag atraksyon ngayon sa Pasay City na siguradong bet ng buong pamilya at barkada. Kamakailan lang ay nagbukas ang kauna-unahang immersive art exhibit sa bansa, ang Space & Time Cube+.

Mayroon itong 20 na themed attractions and sensory games gaya ng Space and Time Tunnel, Wandering Planets, Holographic Glasshouse, at Crystal Matrix.

“Growing up in the Philippines, I realized we love to gather, we love to enjoy life. But there is a lack of entertainment here. Having friends from China, we decided to bring in this concept. We have a fully immersive art museum for everyone to enjoy… We want to be very inclusive, there is something Gen Z, Families, kids, millennials,” ayon kay CEO Nikka Kelly Chang sa ulat ng ABS-CBN News.

Ayon sa mga nakapunta na sa lugar, kakaibang experience daw ito sa kanila na madalas ay nasa ibang bansa lang mararanasan.

“The fusion of art and technology is a really exciting concept. The closest experience I had was in Japan, I am so happy we have one in Manila. We don’t have to go out of the country,” ani Russel, isang bisita sa exhibit.