Hindi lang si Carlos Yulo ang inulan ng mga unli food offers pagbalik sa bansa kundi maging ang nawawalang ex-Bamban Mayor Alice Guo na napabalitang nakaalis na ng bansa sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap.
Habang patuloy na tinutunton ng mga awtoridad ang dating mayor ng Bamban, nakaisip naman ng paraan ang iba’t ibang food establishments kung paano sila makakatulong sa paghahanap dito.
Ang naisip nila, alukin ng unlimited food offers si Guo at baka sakaling maengganyo itong lumabas mula sa pinagtataguan.
May umasang mahilig sa dessert si Alice Guo.
May nag offer ng unli chicken for one year, at idinamay na din sa offer si Pastor Quiboloy.
May offer din kung mahilig sa cocktail ang dating mayor
May pa-burger din siyempre ang Brother’s Burger
Pares is life!
Facebook
May pa-donut din:
Ang isa naman, free lifetime food pero dapat mag present ng two valid IDs.