Netizens todo relate sa isang content creator na nauwi sa wala ang plakadong glam look dahil suspendido ang klase

Hindi man natuloy ang klase, bida pa rin ang content creator na ito sa TikTok dahil sa kanyang mala-dyosang face card at full glam look.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Clean Girl, Full Glam, o Douyin—kahit anong style ng makeup, saying ang pakak na look kung wala rin palang pasok.

Sa TikTok video ni @‌simp4gabbbb, makikita ang kanyang all-out glam look habang papasok sa school. Plakado na ang makeup, pero nauwi sa wala dahil biglang suspended na pala ang klase.

Aniya, “Nagsuspend pero plakado ka na.” Pero kahit hindi niya nairampa sa classroom ang kanyang look, bida naman siya sa TikTok.

https://vt.tiktok.com/ZSAqyGAar/

Marami ring netizens ang natawa at agad nakarelate sa kanyang experience:

“thirst trap is neow!!”

“Kung kelan latina na yung muka ko tapos naka sakay na ako tapos walang pasok??”

“Me kanina HAHHAHAHA”

“ay PERFECT KA NAK”