Netizens napakilig na naman ng relasyon ng iba matapos ang monthsary surprise ng isang jowa sa kanyang GF

Kinilig ang netizens sa video ni Ysobel Luna kung saan nakuhanan niya ang mga delivery riders na inaabot ang pa-surprise ng kaniyang jowa na may kasama pang bati at banat.

Hindi lamang pagkain kundi kilig ang hatid ng mga delivery rider na kinuntsaba ng jowa ng isang TikTok content creator na si Ysobel Luna (@ysoo0o_ ) para sa kanilang 10th monthsary.

Binati siya ng “happy 10 months” ng parehong rider, na may pahabol na “Ikaw lang sapat na” mula sa rider na naghatid ng paborito niyang inumin.

Kitang-kita ang tuwa ni Luna at nagpasalamat na lamang ito sa kaniyang boyfriend na kausap niya sa video call.

@ysoo0o_ my bf can't physically be here to personally greet me on our 10th monthsary, but instead, he did this. hahaha thank you lover boy @miguel ♬ original sound – donuttt.

Kilig-much na naman ang mga viewers sa relasyon ng iba:

“Napapangiti nyo na naman ako.”

“CUTE ANO BA YAN STAY INLOVE HUHUHU”

“ANG AGA PARA MAINGGIT”

“’ma’am happy 10th daw tapos ikaw lang sapat na’ HAHAHAHA pati si kuya’ng rider kinilig sa rs ng iba eh😭😭”

“LORD, KITA MO YAN? GUSTO KO RIN NIYAN”