Nag-viral ang isang video ng isang netizen na tuwang-tuwa nang ma-ispatan niya ang isang ibon na mala-Ibong Adarna ang itsura sa Semirara Island sa Antique.
“Ibong Adarna na nababasa ko lang sa libro, ngayon nakita ko sa personal na. Salamat po Lord!” ang caption ni Noynoy Filaro sa kanyang video na pinost sa Facebook.
Ang “Ibong Adarna” ay isang korido na nakasentro sa isang mahiwagang ibon na nagtataglay ng kakayahang umawit ng magagandang himig na nakakapagpagaling ng anumang sakit. Matatagpuan ang ibon na ito sa kaharian ng Berbanya.