Netizen approved! Kilig at good vibes, dulot ng engagement ni Zeinab Harake kay Ray Parks

Umulan ng happiness para kay Zeinab Harake mula sa madlang internet matapos mapanood ang video ng proposal ni Ray Parks Jr. sa kanya.

Inulan ng good vibes ang post ng YouTuber na si Zeinab Harake tungkol sa surprise proposal ng kanyang partner na si Ray Parks Jr., Marami din ang na-inspire sa celebrity couple dahil sa pagiging close ng mga anak ni Zeinab kay Ray na itinuturing nilang daddy.

Bumuhos sa comments section ang congratulations at prayers para kay Zeinab at kanyang mga anak na sina Lucas at Bia matapos masaksihan ang saya ng dalawang bata na magiging opisyal na nilang daddy ang basketball player.

Ani mga netizens, kung hindi nagtapos sa maganda ang dating relasyon ni Zeinab sa rapper na si Skusta Klee ay maaaring ito ay paraan ng Diyos upang makatagpo niya ang tamang tao para sa kanya.

Aprub din sa kanila ang ginawang paraan ni Ray sa pagpapaalam sa mga kaanak ni Zeinab tungkol sa balak niyong mag-propose at paghingi ng blessings sa mga ito.

“Deserved! This made me smile and cry. The way Ray Parks starts his proposal speech, tells a lot. Lucky both of you”

“I saw the interview at Toni Talks, I was amazed at Sir Ray Parks he is so God Centered. Ms. Zeinab, you both deserve each other. God bless you both of you.”

“Ray Parks, you really set the bar so high. A genuine God-fearing man like you is worthy to emulate. Thank you for sharing who and what you are in social media so young generations this time would see how it has to be a man or a servant of God.”

“You deserve that kind of man Zeinab, Ray Parks is really a real man with a great heart. God bless both of you”