Nagulat at natawa ang boxing champ na si Nesthy Petecio nang malaman niyang napasama pala siya sa prestihiyosong “Asia’s Most Influential” list ng British magazine na Tatler.
Ito’y dahil nalaman niya ang balita hindi sa media, kundi dahil may nag-send sa kanya ng link ng listahan.
“Anong year ba to? Hindi ko malalaman to kung walang nag send sakin. HAHA,” ayon sa 33-anyos na Olympic boxer sa kanyang Facebook post. “Thank you po, ngayon ko lang nalaman HAHAHAHA,” dagdag pa niya.
Kinilala si Nesthy ng Tatler hindi lang dahil sa silver at bronze medal na nasungkit niya sa 2020 at 2024 Olympics, kundi dahil sa pagiging boses at inspirasyon nito para sa mga Pilipino at kapwa niyang miyembro ng LGBTQIA.
Todo agree naman ang mga netizens:
“You are an inspiration for all the kids out there”
“When will you build your boxing academy Nesthy Petecio?”
“Congrats champ Nesthy Petecio”
“Congrats Ms Nesthy, thank you for your generosity”
“Makaproud gyd Nesh..”