Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Negros Oriental ang mga micro at small enterprises na makilahok sa “Kapatid Mentor ME (micro entrepreneurs) Program” o KMMP para matuto kung paano pa mapalago ang kanilang negosyo.
Ano mang edad, basta kwalipikado ka, pasok ka dahil tinaggal na din ng DTI ang age limit ng mga gustong mag-training.
“The KMMP will run for 11 weeks at once-a-week face-to-face sessions to help local entrepreneurs upscale and expand their markets outside of the province,” ani DTI-Negros Oriental Director Nimfa Virtucio sa panayam ng Philippine News Agency.
Dagdag pa ni Virtucio, pag napuno na ang 20 slots, maguumpisa na agad ang KMMP.
Ito’y isang inisyatibo ng DTI at ng Philippine Center for Entrepreneurship na naglalayon na tulungan ang micro at small enterprises sa pamamagitan ng coaching at mentoring sa ibat -ibang aspeto ng operasyon sa pag-nenegosyo.