NBA rookie Jared McCain, proud na ni-reveal ang kanyang Filipino heritage—Pinoy fans agad nag-claim!

Agad-agad may claim ang mga Pinoy basketball fans kay NBA rookie Jared McCain matapos i-reveal nito ang kanyang Fililipino bloodline.

Pangatlong NBA player na may dugong Pinoy ang Philadelphia 76ers rookie na si Jared McCain nang i-reveal niya na may kaunti siyang dugong Pilipino.

Sa isang video post ng NBA Philippines sa TikTok, makikita si Jared na proud na sinabing may lahi siyang Asyano. “Shout out to my Asian community,” ani Jared.

Nang tanungin kung ano ang dugo niyang Asyano, sinabi niyang siya ay “part Filipino.”

“I am… Filipino,” sabi ni Jared. “I mean only like 10 percent, but that counts, right?”

@nbaphilippines 👋 Yes. It counts, @jaredmccain24 🇵🇭 #NBAPhilippines #NBAHighlights #SportsOnTikTok #Basketball #Sixers #76ers #JaredMcCain ♬ original sound – NBA Philippines

Bukod kay Jared, may dugong Pinoy din sina Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Jalen Green ng Houston Rockets.

Matapos ang big reveal ni Jared, naglatag agad-agad ng claim sa kanya ang mga Pinoy netizens.