Ibinahagi ni Ryan Bang na ang kanyang fiancée na si Paola ang naging susi para matupad ang kanyang matagal nang pangarap para magkasama muli ang kanyang pamilya.
Sa “Magpasikat Ka!” segment ng “It’s Showtime,” nag-open up si Ryan Bang at sinabing matagal na niyang gustong magkasama-sama ng masaya ang kanyang mommy at daddy, na matagal nang naghiwalay. Aniya, mahirap itong mangyari noong bata pa lang siya dahil lagi daw nagtatalo ang kanyang mga magulang na kalaunan ay nauwi sa divorce.
“Yung magulang ko, lagi sila nag-aaway. Pinagpe-pray ko na lang kay Lord ‘Lord sana hindi na po sila mag-away today. Nung Grade 5 ako, sobrang away eh. Nag-decide sila na maghiwalay, divorce. Hindi sinagot yung prayer ko kay God. Nawala yung hope ko dun,” ani Ryan.
Kahit na ganoon ang nangyari, nagkaroon pa rin naman ng paraan para matupad ang hiling ni Ryan kahit maraming taon ang kanyang hinintay.
“First time nila ma-meet si Paola, yung girlfriend ko. Inaya ko si mommy, dinner with daddy. Sobrang saya ko, si mommy unti-unting tumatawa sa joke ng daddy ko. Natupad yung hiniling ko kay Lord na isang simpleng dinner,” pagbabahagi niya.