Mukhang na-miss ng mga ex-PBB housemates ang pagba-bonding kaya naman nag-reunion muli ang mga junakis ng nation’s mowm na si Klarisse de Guzman para sa isang dinner hangout.
Happy naman ang mga housemates at ang kanilang mga fans na makita ang closeness nila kahit wala na sila sa Bahay ni Kuya. Unang nag-post ng picture si Josh Ford at sinabing hindi na monggo ang kanilang ulam sa kanilang get-together dahil very tight ang budget nila sa PBB House pag sila nananalo sa weekly challenge.
Nag-post din siyempre si Klarisse at pabirong nakiki-Gen Z sa kanyang mga housemates na sina Shuvee, Dustin, Bianca, AC, Kira, Josh, at Xyriel.
Looking forward naman ang kanilang mga fans na makikita muli ang lahat ng PBB Collab housemates sa gaganaping Big Night sa Bahay ni Kuya kung saan magkakaalaman na kung sino sa AzVer, BreKa, RaWi, at ChaRes ang mag-uuwi ng korona bilang Big Winner.