National Living Treasure Magdalena Gamayo, nag-celebrate ng ika-100 na kaarawan

Ika-100 kaarawan ng master weaver at National Living Treasure na si Magdalena Gamayo ipinagdiwang.

Isa nang centenarian si Magdalena Gamayo o Nana Dalen, ang tinaguriang oldest living Ilocano master weaver at isa sa mga awardee ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) o National Living Treasure.

Ipagdiwang ni Nana Dalen ang kayang 100th birthday sa Plaza del Norte sa bayan ng Paoay sa Ilocos Norte noong Agosto 13, 2024.

https://www.facebook.com/reel/1611394589804694

Bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni Nana Dalen sa kulutra at heritage ng Pilipinas, idineklara ng Malacañang ang Agosto 13 nitong taon hanggang Agosto 12, 2025 bilang centennial year ng Manlilikha ng Bayan or National Living Treasure sa pamamagitan ng Proclamation 664.

Ayon sa ulat ng BusinessMirror, Oktubre noong nakaraang taon, binuksan ang isang exhibit sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Gallery sa Intramuros para ipakita sa publiko ang mga likha ni Nana Dalen.

Tinawag ito na “Inubon a Dayaw (String of Honor): The Life and Works of Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo.” Personal niya itong dinaluhan.

Sa murang edad na 16 anyos nagsimula si Nana Dalen sa paglikha ng Inabel. Hanggang ngayon, ipinagpatuloy pa rin ni Nana Dalen ang pagturo ng kanyang nalalaman sa paghabi at pagbahagi ng kanyang talento.

Ito raw ang paraan niya sa pagpapanatili at pagpapayaman ng tradisyon ng paghabi sa pamamagitan ng weaving seminar sa komunidad at mga bisita sa kanilang lugar.