Sa mga malalaking event tulad ng wedding ay talaga namang hindi maiiwasan ang aberya, pero paano na lang kung ang wedding cake ang kamuntikan nang madisgrasya?
Ito ang naging karanasan ng mga bakers sa Baby H MB. Cakes matapos ang isang 9-layer cake na kanilang pinaghirapan ng mahabang oras ay kamuntikan nang mahulog habang ito ay inililipat mula sa sasakyan hanggang venue.
Sa video, ipinakita ng mga baker kung gaano nila kinarir ang pag aayos sa cake para mapagbigyan ang motif na nais ng bagong kasal. Ngunit habang ito ay binubuhat na papunta sa reception, hindi inaasahang nasira ang box at dumulas ang laman nito. Kahit na agad may umalalay, mayroong ilang bahagi ng cake ang nasira.
Mabuti na lamang at maagap ang mga bakers kaya’t agad nagawan ng paraan ang itsura nito gamit ang icing.
“biglang napasigaw talaga ako gha ng “aaaayyy,” ani isang netizen.
Grabeee parang nalaglag puso ko..napasigaw din ako…” sang ayon ng isa pa.
“Npasigaw Ako,” same ate, same.
“Grabe ga jan talaga ako hangang hanga sa mga trouble shoot mo n yan.di halatang nasira,” ayon sa isa pa.
All’s well that ends well, ika nga. Nakakaloka!