Nanay napagkamalang demonyo mula sa ‘KPop Demon Hunters’ ng mga anak nang dahil sa stretch marks!

Laugh trip ang dala ng isang nanay nang inupload niya ang isang TikTok kung saan gulat na gulat ang kanyang mga anak ng makita ang kanyang stretch marks at inakalang isa siyang demonyo mula sa pelikulang “KPop Demon Hunters.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagdala ng good vibes ang isang Tiktok video ng isang ina kung saan napagkamalan siya ng kanyang mga anak na isang demon mula sa hit Netflix film na “KPop Demon Hunters” dahil sa kanyang stretch marks.

Sa viral video ni @lifewithceleyy na may 16 million views na, makikitang bilog na bilog ang mga mata ng kanyang mga anak sa pagkagulat nang maispatan nila ang mga “patterns” na linya-linya sa kanyang tiyan.

“You’re actually a demon?!” ang inosenteng tanong sa kanya ng kanyang mga anak habang inuusisa ang kanyang mga stretch marks.

Napatanong na lang ang walang magawang nanay kung ano ba ang ginawa ng pelikula sa kanyang mga anak.

Ang “Kpop Demon Hunters” ay umiikot sa kwento ng K-pop girl group na HUNTR/X na mga lihim na demon hunters at ginagamit nila ang kanilang musika upang sugpuin ang mga demonyo sa mundo.

Sobrang patok ang pelikula na nag-premiere sa Netflix noong Hunyo, at ngayon ay kilala na bilang most-watched Netflix film of all time na may mahigit 236 million views na and counting.

@lifewithceleyy What has this movie done to my children 🤣😆 #kpop #hunterxhunter #sajaboys #demonhunter #netflix ♬ Golden – HUNTR/X & EJAE & AUDREY NUNA & REI AMI & KPop Demon Hunters Cast

Tawang-tawa naman ang mga netizens na naka-relate sa nanay na may stretch marks:

“My son saw my varicose veins and said “you have patterns??”

“Plot twist! They are the demons for causing the marks”

“They not even thinking twice about calling Huntrix on you”

“The way they were genuinely scared 😭😭”

“Omg that’s so cute though. New Halloween costume unlocked! Just paint our stretch marks purple 😭”