Nanay bitbit ang isang buong Christmas tree matapos matipuhan ang naka-display sa tindahan, nagdala ng good vibes sa netizens

Naisipan ng isang nanay ng isang TikTok uploader na bumili ng nakadisplay na puting Christmas tree at iuwi ito nang buo para diretso display na lang sa kanilang bahay.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Feel na feel na Talaga ang Pasko sa Pilipinas, lalo na sa isang nanay na literal na nag-uwi ng Christmas tree mula sa tindahan.

Sa TikTok video ni Antonette Genato (@antonette19988), tampok ang kanyang mama na bitbit ang isang malaking white Christmas tree habang chill lang na naglalakad pauwi, matapos niya itong bilhin dahil “maganda raw.”

Kwento ng uploader, ang binili ng kanyang mama ay yung naka-display mismo sa tindahan para anya ilalagay na lang sa bahay nila at hindi na kailangan magkumpuni pa.

Aliw naman ang mga netizens sa proud Christmas moment ng nanay ng uploader.

“Naiimagine ko haha paano mung sasakay pa sa jeep haha 🧑‍🦳: Nak una ka sa loob hatakin mo para maisakay Hahahahaha”

“Literal na ‘I want it, i got it💅✨’ go mama hahahhaa”

“na parang bang kinuha niya lang sa tabi-tabi at itinakbo”

“Ipinapaalam ni mama sa lahat na pasko na sa bahay niyo 😂😂”

“HAHAHA laro ka nay. Na para bang nag lalako lang ng panindang Christmas tree. 😂”

“ganyan din si mama, Ganyan ba tlga mga mama haaa😭”

@antonette19988

Hahahahahahaahahahahahaha

♬ All I Want for Christmas Is You – Mariah Carey