Namroblema sa mangga! Math problem para sa presyo ng prutas umaliw sa Math addicts

Natuwa man ang mga Math addicts sa isang karatula tungkol sa presyo ng mangga sa isang supermarket, medyo meh naman ang reaksiyon ng ilan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na maengganyong bumili ng hinog na mangga ay mukhang umayaw na lang ang mga mamimili sa isang lokal na supermarket dahil imbes na presyo ang naka-display ay isang math problem ang bumungad sa kanila.

Ang tanong:

“Joshua bought 3kg of ripe mangoes from KCC Supermarket. He paid 1000 pesos and received 571 as change. How much is a kilo of ripe mangoes? “

May mga netizens naman na kumagat sa hamon pero meron namang nagsabi na ayaw na nila ng dagdag na problema pa habang pilit na nga nilang pinagkakasya ang kanilang budget pamalengke.

“Ang mahal na nga ng Mango nyo pina compute nyo pa ako”

“Dati mahilig ako sa manga now hindi na”

“wag ka nalang mag mango float.. buko pandan nalang”

“I love it! Ang witty ng marketing bilin ko na lahat”

Natuwa din ang ilan sa naka solve na 143 (I love you) pala ang sagot sa problemang ito. Awww.