Namit! Italyano sa Negros Occidental, dinadayo para sa kanyang authentic wood-fired pizza

Hindi na kailangan pumunta ng Italy para makatikim ng authentic Italian pizza sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Hindi na kailangan dumayo pa ng Italy para makatikim ng authentic Italian pizza na niluto gamit ang wood fire oven. Panigurong mai-in love ang mga nakatikim ng Amore Mio Pizza and Inasal na matatagpuan sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon sa mga may-ari si Enea, dalawang taon na ang kanilang negosyo na dinarayo pa ng mga taga-ibang lugar dahil nga handmade ito hindi katulad ng sa ibang pizza shop na frozen na ang pizza at iniiinit na lang.

Bestseller nila ang kanilang truffle pizza. Dahil daw freshly made ang kanilang mga pizza, hindi ito sobrang bigat sa tiyan pero dahil sa napakasarap nito ay hindi na ito magawang tantanan ng mga nakasubok na.

Sa comments section, tila marami ding naging interesado nang makita ang authentic na pamamaraan ni Enea sa pag-prepare ng pizza mula sa paggawa ng dough hanggang sa paglalagay ng toppings.

Pwedeng I bucket list para sa next trip sa Negros Occidental! G?