Panalo sa relatability ang isang content creator matapos aliwin ang netizens sa isang skit bilang isang mamimili na gulat na gulat sa presyo ng bilihin.
Sa viral TikTok video na ibinahagi ni @heydoloresss, tampok ang mala-‘90s comedy-style na reaksyon tuwing makikita ang ang nakakagulat na presyo ng isang bilihin. Isang tingin pa lang sa price tag, automatic na ang panginginig, ngiwi, at parang nakuryenteng ekspresyon na siguradong pamilyar sa maraming Pinoy.
Winner sa netizens ang reenactment ni Mawj dahil kuhang-kuha niya ang eksaktong reaksyon ng isang customer kapag ang budget ay biglang nasampal ng realidad.
@heydoloresss
Tuwang-tuwa at todo-relate naman ang netizens sa comment section sa kanyang humorous POV:
“HOOOOYYYY akala ko ako lang ganyaann 🤣”
“Over sa nginig atecco hahaha 😂”
“akala ko ako lang nakukuryente sa presyo🤣”
“pano ba kasi itago😭”