Isa na marahil ito sa mga vlogs ng aktres na si Ivana Alawi na hindi niya makakalimutan.
Si Ivana ay mahilig mag-prank sa kanyang mga guest pero tila nabaliktad naman ang sitwasyon ng inimbitahan niya ang aktres na si Marian Rivera sa kanyang vlog upang mag promote ng pelikula nitong “Rewind” katambal ang kanyang asawang si Dingdong Dantes.
Lingid sa kaalaman ng “FPJ’s Batang Quiapo” star, kasabwat pala ni Marian ang kapatid niya na si Mona sa vlog nito para i prank ang kanyang ate.
Batay sa sikretong pag uusap nina Mona at Marian, si Mona ang magbabato ng mga tanong kay Marian habang nagmumukbang sila ni Ivana.
Tinanong ni Mona sa kung may chance daw ba na magkasama sa isang teleserye o pelikula ang dalawa.
“Ay, ‘Day, baka di ko pa call time nandoon na ako,” magiliw na sagot ni Ivana.
Bigla naman itong sinabihan ni Marian na” “Ba’t late ka kanina?”
At parang natahimik si Ivana at dito na kunwari nag init ang ulo ni Marian. Giit ni Marian, ayaw nito sa mga nale-late.
“Kanina sabi ko kay Paolo: ‘Paolo, ano na? Bakit ang tagal?’ Bakit ka late?” sabi ni Marian kay Ivana.
Tuluyan nang nanlumo si Ivana nang sabihin ni Marian na ayaw nga daw niya gawin ang vlog na iyun.
“Hindi po, next time po maaga ako,” ang sabi ni Ivana habang nanghihingi ng paumanhin kay Marian.
“Wala nang next time. Last mo na ‘to!” sabi pa ng Kapuso Primetime Queen na lalong nagpaiyak sa vlogger.
Pati ang handa sa mukbang nilait pa ni Marian at sabay walkout.
Ngunit hindi din natiis ni Marian si Ivana at bumalik ito sabay sabi : “Hindi ko na kaya…” at niyakap niya ang umiiyak na si Ivana.
Tawang-tawa naman si Mona dahil successful ang prank nito sa ate Ivana niya.