Nakarating sa space ang ayuda! De latang 555 at Century Tuna, may cameo sa K-drama ni Lee Min Ho

Buti pa ang mga de latang Pinoy, naka eksena ang oppang si Lee Min Ho, sey ng mga fans.

Usap-usapan ngayon sa mga Pinoy K-drama fans ang cameo ng mga de latang 555 at Century Tuna sa Netflix series na “When the Stars Gossip.”

Na-screenshot kasi ng mga fans sa isang eksena na lumulutang ang de lata ng dalawang brand sa space dahil mga astronaut ang role ng mga bidang si Lee Min Ho at Gong Hyo Jin.

Kanya-kanyang hirit naman ang mga fans na nagsabing buti pa ang local na brand ng delata nakarating na sa out of space samamtalang sila ay di pa nakakapag out of the country.

“Buti pa yung favorite kong delata andyan, samantala ako hanggang panaginip na lang”

“Kdrama always targeting filipino market kasi malaki ang audience nila sa pinas”

“buti yung ayuda nkarating sa outer space”

“Ang galing ng 555 at century tuna kasama pa ni Lee Min Ho”