Upang makalikom ng donasyon para sa simbahan, may kakaibang paandar ang mga seminarista mula sa Tagaytay.
Bago matapos ang Misa ng Simbang Gabi sa Greenbelt Chapel sa Makati, nag-TikTok dance ang mga seminarista ng San Pablo Theological Formation habang kinakanta ang
“Kampana Ng Simbahan.”
Kinaaliwan naman ito ng mga netizen.
“Galing naman
hindi aantukin mga mag sisimbang gabi pag ganito 
,” komento ng isa.
“Mapapasabay talaga kami sa sayaw
,” sabi naman ng isang netizen.
Ayon naman sa ibang nagkomento, nakakatanggal antok daw ang ganitong style tuwing misa.
Umabot naman sa 4.7 million views na ang nasabing video na in-upload ng Facebook Page na Musika.