Nakakarami ka na miming! Mga K-pop fans inggit sa Araneta cat na paborito ng kanilang mga idolo

Napa “sana all” na lang ang mga fans sa isang pusa sa Araneta na lapitin ng K-pop idols.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung ang mga fans ay kuntodo effort para maka-attend ng concerts at makapag-picture sa kanilang mga idols, iba ang isang puspin sa tambay sa Araneta Coliseum dahil ilang K-pop fans na ang nagpapa-picture sa kanya.

Una nila itong napansin nang na-picturan ang EXO member na si Chanyeol na inaamo ang pusa sa gilid ng stage sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.
Sa concert naman ni Baekhyun, makikita ang pusa na pasikot-sikot habang nasa dressing room ang mga performers.

Habang busy naman si D.O ng EXO sa kanyang fan meet, chill na chill naman si Miming na pumarada pa sa stage na para bang pag-aari niya ang Araneta.

Pero ang pinakasukdulan ay ang pag-popost ni BLACKPINK Jisoo ng picture nila ni Miming sa kanyang Instagram Stories, kung saan niya binati ang kanyang fans ng “Mahal Kita.”

Umani naman ng samu’t saring comments ang pagka-swerte ng puspin:

“Mga posa: mainggit kayo”

“lagi talagang sumasakses ang mga pusa”

“Buti pa ata yung pusa ah libre lang makita yung kpop idols samatalang tayu hirap na hirap maghanap nang pang bayad sana pusa nalang din ako”

“Pangarap ko na lang maging pusa, kasi lagi silang napapansin”