Nakakaloka si Kuya Move It! Pasahero naiwan ng nabook niyang motorcycle taxi rider; laughtrip dala sa netizens

Di kinaya ng mga netizens ang ginawang pagkaripas ng Move It driver nang buong akala nitong nakasakay na ang kanyang pasahero.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi maubos ang tawa ng mga netizens sa sinapit ni Maria Marta matapos ang di sadyang pagiwan sa kanya ng binook nyang Move It driver.

Sa video na pinost ni Maria sa Facebook, makikita siyang tila hinahabol ang Move It driver habang suot ang helmet nang siya ay maiwan imbes na isakay patungo sa kanyang pupuntahan.

“Naiwan ako ni Kuya, akala niya nakasakay na ako sa motor. Nakakaloka si Kuya Move It!” sabi Maria.

“Akala niya nasa likod na niya ako e hindi pa ako nakakasakay,” dagdag pa niya.

Tawa na lang din ang nagawa ni Maria sa kabila ng stress na dulot ng pangyayari. “Late na ako sa trabaho! Hahaha!” sambit ni Maria.

Maya maya pa, bumalik na si Kuya Move It na hindi din makapaniwala sa nangyari.

“Akala ko ma’am nakasakay na kayo doon… Sabi ko bakit ang gaan?” sabi ni Kuya Move It.

At dahil nga late na siya sa trabaho, dali dali na lang sumakay si Maria sa motor at hindi na nakuhang magalit kay Kuya Move It.

“Haay kuya nakakatawa ka! Hahahaha… Oh my goodness late na ako sa trabaho!” sabi na lang ni Marla habang sinisigurong nakasampa na siya sa motor at di na muling maiiwan.