Viral ngayon ang graduation song na napili ng Alabel National High School sa Sarangani para sa kanilang graduation rites.
Imbes kasi na ang mga “Farewell to You” at “High School Life” o ang walang kamatayang “Heal the World” ang kanilang awitin sa pagtatapos, napili nila ang “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya.
Tumindig ang balahibo ng lahat ng mga nag-attend ng graduation sa napakaganda at heartfelt na rendition ng kantang isinulat ni Rico Blanco at kamakailan lamang ay binigyan ng panibagong buhay ni SB19 Pablo para sa OST ng “Incognito.”
Ayon sa mga nakasaksi, maganda ang lahat ng graduation pero lumevel up ang moment dahil sa performance ng Sidlak Batch 2024-2025 na umalingawngaw sa buong auditorium.