Parang hinehele ng mga anghel ang naging pakiramdam ng mga dinalaw ng mga luma at bagong miyembro ng Cotabato State University Chorale na naisipang mag-bonding sa pamamagitan ng pangangaroling.
Sa ilang TikTok clips na inupload ni Henry Ali, maririnig ang perfect blending ng mga boses ng mga choir members na nagbahay-bahay at umawit ng ilan nilang pambatong medleys tulad ng “Joy to the World,” “Jingle Bells,” at ang pangmalakasang “Carol of the Bells.”
Sa isang interview ng Inquirer, nabanggit ni Henry na ginamit nilang pagkakataon ang pangangaroling upang sariwain ang kanilang masasayang alaala bilang miyembro ng chorale at makilala din ang mga bagong boses na bumubuo nito ngayon.
Nagpasalamat din siya na ang kagaganap lang na concert for a cause na idinaos ng Cotabato State University Chorale ay na-sold out dahil sa suporta ng mga tao. Ang mga naipong pondo mula sa tickets ay makakatulong na bumili ng mga lamesa, upuan at school supplies para sa mga batang nanganailangan.
Pakinggan ang next level caroling ng mga miyembro ng chorale sa mga TikTok ni Henry.
Joy to the World
@henzqt JOY TO THE WORLD #chorale #choir #ccspcchoir #ccspcchorale #cotsuchoir #cotsuchorale #ccspcchoirmemberalumni #christmascarol #christmascaroling #christmascarolling #christmas #carol #caroling #carolling #joytotheworld #joytotheworldchoir #carolofthebells #carolofthebellschoir #normaldaysinthephilippines #carolingphilippines #carolinginthephilippines #fyp #fypp #fyppp
♬ original sound – Henzkie – Henry Ali
Jingle Bells
@henzqt JINGLE BELLS #jinglebells #jinglebellschoir #chorale #choir #ccspcchoir #ccspcchorale #cotsuchoir #cotsuchorale #ccspcchoirmemberalumni #christmascarol #christmascaroling #christmascarolling #christmas #carol #caroling #carolling #joytotheworld #joytotheworldchoir #carolofthebells #carolofthebellschoir #normaldaysinthephilippines #carolingphilippines #carolinginthephilippines #fyp #fypp #fyppp #joytotheworld #joytotheworldcarol #joytotheworldcarolling
♬ original sound – Henzkie – Henry Ali
Carol of the Bells
@henzqt CAROL OF THE BELLS… Mga panahong CCSPC pa ang COTABATO STATE UNIVERSITY. #chorale #choir #CCSPCCHOIR #CCSPCCHORALE #ccspcchoirmemberalumni #christmascarol #christmascaroling #christmas #carolling #carolofthebells #carolofthebells
♬ original sound – Henzkie – Henry Ali
Panigurong kapag sila ang nangatok sa pintuan niyo, walang magsasabi ng “Patawad po!”