Nakakagutom! Solo exhibit ng isang local artist, inspirasyon ang mga paboritong de lata ng mga Pinoy

Humugot ng inspirasyon ang local artist na si Carlo Tanseco sa mga de lata para sa kanyang Canned Thoughts solo exhibit.

Bumida ang mga paboritong simpleng ulam ng mga Pinoy sa art exhibit na tinawag na “Canned Thoughts” ni Carlo Tanseco na matatagpuan sa Art Cube Philippines.

Hango sa iba’t ibang mga sikat na brand ng de lata sa Pinas, makikita ang naglalakihang framed version ng mga brand na tulad ng Delikadesa (Delimondo), 888 (555), Lingo (Ligo), Same (Spam), Ang Araw (Argentina), Allfine (Alpine) at iba pa.

Tiyak na matutuwa ang mga bibisita sa exhibit at maaari ding magutom ng dahil sa katitingin sa mga giant version nito.

“Genius artwork!”

“Very witty!”

“Ang galing ng concept at ang gaganda ng mga artworks! Congrats po sa mga artists!”

Maaring bisitahin ang exhibit sa Art Cube Philippines hanggang June 1, 2024.