Siyam na entries galing sa Pilipinas ang pasok sa Top 100 Southeast Asian Street Foods ng Taste Atlas.
Siyempre, pinangungunahan ito ng star ng bawat birthday party, wedding at piyesta, ang lumpiang shanghai na matatagpuan sa ika 21 posisyon. Nasa No. 78 ang isa pang malakasan sa handaan, ang pansit bihon.
Pasok din sa listahan ang mga meryendang tulad ng bibingka, espasol, maruya, at taho. Pasok din ang mga putok batok treats na tulad ng isaw, proben at kwek kwek.
https://www.tasteatlas.com/best-rated-street-foods-in-southeast-asia