Pinasaya ni Sandara Park ang isang Indonesian fan nang sorpresahin niya ito habang ito ay ini-interview kung bakit niya nagustuhan si Sandara.
Sa clip ng video, kunwari ay ini-interview ang BLACKJACK na si Cia tungkol sa kanyang idolo at sinabi niyang gusting-gusto niya si Dara dahil sa pagsisikap nito at pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya.
Sinabi ni Cia na kahit na kinailangan ng pamilya ni Dara na manirahan sa Pilipinas ay ginawa nito ang lahat para makamit ang tagumpay. Aniya, nakaka relate siya sa determinasyon ni Dara bilang panganay din ng kanilang pamilya.
Habang kinakausap ng staff si Cia, nakaabang na si Dara sa likod na tila nangingilid din ang luha sa mga papuring ibinigay sa kanya ng kanyang tagahanga.
Nang sa wakas at lumabas na siya upang batiin ito, hindi napigilan ng fan na maiyak.
Sumangayon naman ang mga FILO BLACKJACKS at international fans sa sinabi ni Cia, lalo na at hindi naman nagbago si Dara sa kanyang mga fans mula pa ng kanyang karera sa Pilipinas hanggang sa sumikat din ito sa Korea bilang miyembro ng 2NE1.
“Sandara is an inspiration of other 2NE1,” ani isang fan.
“Queen of Humbleness,” sabi ng isa pa.
“huy naiyak ako nung napanood ko yan haha,” dagdag ng isang netizen.