Nakaka-inspire! Inka Magnaye, inirampa ang fit na katawan kahit lumalaban sa PCOS

Pinatunayan ni Inka Magnaye na lahat ay possible kung gugustuhin.

Nagkaroon na naman ng panibangong check sa bucket list ni voice talent at content creator Inka Magnaye nang rumampa ito bilang isang finalist sa Century Superbods.

Bumilib ang mga fans ni Inka nang matapang niyang ipinakita ang kanyang fit na fit na katawan na kanyang pinaghirapan sa loob ng maraming buwan.

Umulan ng mga positibong komento para kay Inka na naging bukas sa kanyang mga pinagdadaanang sakit tulad ng asthma, PCOS at scoliosis. Nagpasalamat din siya sa suporta ng maraming tao na na inspire sa kanyang fitness journey.

“grabeng dedication at discipline… kaya dasurvvv mo tlga yan idol”

“mahal ka naming”

“Tapos sabay takbo agad sa back stage kasi mag VO na siya”

“She deserved to join as she’s battling PCOS. She managed to control such difficult hormonal imbalance to women who are suffering from it, like me.”

“This is actually the kind of body that I want, not too much muscles”