This guy’s in love with you… pare!
Sa isang TikTok video na ibinahagi ni netizen Pao Caniamo, hindi maitago ni Vhong Navarro ang kanyang fanboy kilig sa kanyang basketball opponent, ang K-Pop idol at SHINee member na si Choi Minho, sa “BENCH: Shoot of Asia 2025.”
Bago pa man magsimula ang laro, nagkaroon muna ng Oath of Sportsmanship na pinangunahan ng bawat team captain: si Vhong Navarro para sa Team Philippines Kuys Showtime at si Choi Minho para sa Korea Rising Eagles.
At pagkatapos ng panunumpa, hindi pinalampas ni Vhong ang pagkakataon na yakapin si Minho, kunwari dahil sa sportsmanship, pero halata namang may extra kilig factor sa eksena.
@paocaniamo Vhong Navarro, Hindi napigilan kiligin kay Choi Minho 🩷 #BENCHShootOfAsia #basketball #paocaniamo ♬ original sound – Pao Caniamo
Aliw na aliw din ang mga netizens sa nakakatuwang tagpong ito:
“Kyahh aken yan.”
“Dipa nagsisimula, panalo na 😔”
“Kaya siguro na talo showtime fam kasi kinikilig sila HAHAHAHA”
“dinalaw sya ng kaba,kabadingan😭😭😭😭”