Nagpahinga na, bayad pa! Hayahay na “model” ng Domi beds kinainggitan ng mga motorista

Napa-sana all na lang ang lahat ng makita ang modelo ng Domi beds na himbing na himbing matulog habang nasa likod ng truck advertisement.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ano ba ang feeling ng isang motoristang palagi na lamang nakikibaka laban sa walang katapusang traffic kundi asar at bugnot? Pero sa pagkakataong ito, mukhang napa-sana all na lang nang makita ang laman ng isang roving advertisement ng kama mula sa Domi Beds.

Paano naman kasi, lulan ng isang transparent truck ang kanilang produktong kutson na may isang “model’ na himbing na himbing sa pagtulog at naka-aircon pa.

Para sa mga nakakita, hindi nila mawari kung sila ba ay matatawa o maiinggit na lamang dahil sa hayahay na buhay ng modelong naatasang matulog lang habang nag-ro-road trip sa buong siyudad.

“My dream job”

“May bago na nman na pangarap ang lahat nakapag pahinga na may sweldo ka pa”

“How to apply po? Asking for a friend”

“That’s a very creative advertising.”