Nagka-trust issue tuloy sila! Bride nag-leave ng 3 araw at bumalik na kasal na

Naging praktikal ang isang bride at nanlibre na lang sa mga kasamahan matapos na magpakasal sa loob ng tatlong araw na pag-absent.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ginulat ng isang bride ang kanyang mga kasamahan sa trabaho nang magbalik siya mula sa pag-absent ng tatlong araw dahil sa loob ng panahong iyon, nakapagpakasal na siya.

Pagbabahagi ni bride Airezz, nagtaka ang mga kasamahan niya dahil bigla na lang siyang nanlibre ng pizza. Nang tanungin siya ng mga ito, tsaka niya lang sinabi na naikasal na siya.

Ani Airezz, naging praktikal na sila dahil kaunti lang ang inimbita nila ng kanyang asawa sa kanilang kasal. Kahit naiintindihan naman ng kanyang mga kasamahan, nagkaroon naman sila ng trust issue kay Airezz.