Nag sorry naman pala! Maricel Soriano, nagbigay ng spray pantanggal maga kay Kim Chiu bago ang eksenang sampalan

Hataw talaga ang gigil ni Marya sa sampalan scene nila ni Kim Chiu sa “Linlang.” Bucket list checked naman ito para kay Kim!

Kung pangarap man ni Kim Chiu na masampal ng bongga ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa teleserye at pelikula, hindi naman nangangahulugan na pinapanindigan ni Marya ang taray ng kanyang onscreen persona sa totoong buhay.

Sa isang panayam, sinabi ni Kim na bago ang kanilang eksenang sampalan ng kanyang onscreen biyenan sa seryeng “Linlang” ay nagpakita ito ng concern sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng spray na pantanggal maga.

Sa mga nakasaksi sa eksena, kitang-kita kung paano halos umikot ang ulo ni Kim sa ginawang pananmpal ng Diamond Star na kung nagkataong mahina kang nilalang ay hindi kakayanin. Paano ba naman, tinuhog ng kanyang karakter ang dalawang anak ni Nay Maria na ginagampanan nina Paulo Avelino at JM de Guzman.

“Nagso-sorry nga siya sa akin, (pagkatapos ng kanilang sampalan scene), pero sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista. Siyempe, pangarap ng isang artista na masampal ng nag-iisang Diamond Star Maricel Soriano. Bucket list namin ‘yun. Bucket list checked. Ang lala!” sabi ni Kim, ulat ng Kapamilya Online World.

“Yung binigyan nyo po ko ng spray, yung pantanggal maga. Bago magsimula yung eksena. Favorite niya yung spray na yun. Hindi niya talaga binibigay kasi konti na lang siya at sa Hong Kong siya nabibili di’ba Nay? Sabi niya bibigay ko na lang to sa’yo. Tapos pagkatapos ng eksena namin , ‘Ah, kaya pala pantanggal maga.”

Ayun naman pala e.

https://www.instagram.com/reel/CyVy9ELLB8W/?utm_source=ig_web_copy_link