Aliw ang hatid ng OPM legend na si Roco Blanco matapos ang kanyang powerful collab sa mga Gen Z na P-pop idols tulad ng SB19, BINI at G22 sa OPM Con 2025.
Pagbalik kasi sa dressing room, huling huli ang “Liwanag sa Dilim” singer-songwriter na abalang-abalang nag-iikot sa kuwarto. Iyon naman pala, nawawala ang kanyang salamin na inabot na lang ng kanyang assistant para makita niya.
Natawa naman ang ilang nag co-comment dahil anila kahit nakipagsabayan sa stage ang isang Rico Blanco, naubos din agad ang kanyang pagka Gen Z at balik Gen Xer na ulit siya matapos ang performance.
“You’re Aging like a fine wine Sir!”
“Si sir Rico lang tinatanggap kong pang 6th member ng Sb19 cool, maangas pogi na matured pero soft inside”
“Hahaha tell me what are you looking without telling me your age”
“Ako nga suot ko na hinahanap ko pa. Pero cute ni Rico ngayon, bumata. More collab with SB19!!!!!”
