‘Na para bang uuwi ng probinsya’: Timba ng biskwit, welcome gift ng Pinoy fans para kay Bulgarian volleyball player Aleks Nikolov

Ikinatuwa ng mga netizens ang paluwas-probinsya vibes ng pagbigay ng isang volleyball fan ng isang tub ng biskwit sa FIVB athlete na si Aleks Nikolov mula Bulgaria.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kilalang-kilala ang mga Pinoy sa pagiging warm at hospitable, at muling napatunayan ito nang bigyan ng fans ng espesyal na welcome si Aleks Nikolov, isang professional volleyball player mula sa koponan ng Bulgaria.

Dito sa Pilipinas ginanap ang FIVB Men’s World Championship kung saan ang kinatawan ng iba’t ibang mga bansa ay nagkakaharap sa volleyball court.

Bukod sa panonood ng laban, hindi nagpahuli ang ilang fans na mag-abot ng isang timba ng biskwit kay Nikolov, na nakunan sa TikTok upload ni Eunice (@niceismynickname).

@niceismynickname Na para bang uuwi ng probinsya si Aleks at pasalubong sa pamilya ang timba ng biscuits😭 Pati teammates nya happy pagkakita e HAHAHAH #nikolov #mwch2025 #fivb ♬ original sound – EuNICEEEE


Agad na kinaaliawan ng netizens ang clip dahil sa reaksyon ng kanyang teammates at dahil sa nakakarelate na Pinoy core moment na ito. Marami ang nakapansin na ang biskwit ay karaniwang pampasalubong para sa mga kamag-anak tuwing uuwi sa probinsya.

“na para bang uuwe ng probinsya”

“sana unahin niya yung wafer eme😂”

“na para bang magkakape si Aleks ng 3in1 hahahah”

“isang timbang biscuit 😂 na para bang may tatlong chikiting ang nag-aabang sa kanyang pag-uwi 😂”

“nilaro niyo naman HAHAHHAH 😭”