‘Na para bang siya ang premyo’: Larong Tug of War na naging pabitin, kinaaliwan ng netizens sa TikTok

Mula sa pagsali sa larong “Tug of War” ay biglang napunta sa gitna ng lubid at nagpabitin ang isang babae na nagpatawa sa mga TikTok netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na “Tug of War” ay may naging pabitin!

Muling ginamit ng mga netizen ang viral audio ng dating DJ na si Camille Peng na “Tatlong Hacks para Maging Habulin,” matapos ilapat ito sa isang nakakatawang esksena ng laro.

Sa video na inupload ni @‌max_glow__, makikitang literal na sineryoso ng isang babae ang unang “hack” na magpabitin, matapos siyang mapunta sa gitna ng tug-of-war habang mahigpit pa ring nakakapit sa lubid.

Natawa ang mga netizen sa kakaibang estilo ng paglalaro at sa lakas ng loob ng babae na magpabitin sa gitna ng laban:

“na para bang siya ang premyo”

“gusto ko yung both sides nahirapan sa ginawa nya 😭”

“na para bang kalaban sya ng lahat 😭”

“Na para bang kusang magpapalechon si Ate😂”

“Strategy yan para tatawa yung kalaban tas manghihina HAHAHAHAHAHAHAHAH”

@max_glow__

♬ original sound – DJ Robin Sienna – Camille Peng