Kahit maraming natanggap na batikos para sa kanyang naging hosting gig sa Golden Globe Awards, masaya pa din ang Fil-Am stand-up comedian na si Jo Koy sa mga Pilipinong sumuporta pa din sa kanya.
Sa isang post ng Fil-Am food vlogger Vanjo Merano, na mas kilala sa pangalang Panlasang Pinoy, ibinahagi niya ang screenshot ng kanilang pag-uusap ni Jo Koy kung saan nagbigay siya ng suporta sa ginawa nitong hosting.
Sinabi ni Vanjo na nalagpasan ni Jo Koy ang isang baptism of fire at dapat siyang maging proud sa nagawa niya.
Sumagot naman si Jo Koy at nagpasalamat. Sinabi niyang masaya siya dahil sa naging pagsuporta ng Filipino community, maging ang kanyang mga kaibigan matapos ang walang katapusang pambabash na natanggap niya matapos ang Golden Globes.
Umulan din ng suporta mula sa kapwa Pinoy sa post ni Panlasang Pinoy.
“you did a great job josep !!!”
“Thanks for posting this lodi Vanjo Merano, we are proud and should say supporting our”
“very own Jo Koy…pinoy nga di ba !!!”
“The GG got more viewers because of how you hosted. Great job kabayan.”
“Supporting our fellowman is definitely the right thing to do! Josep did well”
“Agree! Support our kababayan. He admitted his short comings and accepted the criticisms”
“despite being painful. That’s one brave soul. He needs our support more than ever.”
“I definitely agree! We love Jokoy! He’s a great comedian and a wonderful person! Mabuhay
Pilipinas!”