Nagbigay aliw sa netizens ang recent post ni Dennis Trillo kung saan kasama niya ang American TV host na si Conan O’Brien sa kanilang taping ng “Sanggang-Dikit FR.” Peroh hindi cameo role ni Conan ang pinag-usapan, kundi ang suot niyang classic Pinoy kumot-inspired na polo shirt.
“Hindi po AI ito, totoong nakasama namin siya😱 Taping day w/ Conan the Bar Brien!,” ani Dennis sa kanyang Facebook post na umani na ng mahigit 19,000 reactions at 460 comments.
Makikita sa mga litrato na nakasama ng Kapuso actor at ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado si Conan sa isang action scene sa kanilang teleserye. Sa ilang kuha, tila “inaresto” pa ng mag-asawa ang American host.
Lalong natuwa ang mga netizens sa suot ni Conan dahil pamilyar na pattern ang kanyang polo na karaniwang makikita sa bahay ng mga Pinoy. Hindi napigilan ng mga fans na humirit sa comment section:
“My kumot is waving.🥰✌️”
“That polo shirt though😂”
“Ganyan yung kumot naming”
“Hey Conan 👋 Team Coco, my mom’s blanket is super sentimental, so I’d be forever grateful if you could bring it back 😜 Cool 😎”
“Kaya pala nawawala ung bed sheet namin d2”
“yung kumot namin bat nasayo sir 😅✌️”
Kasalukuyang nasa Pilipinas si Conan para sa filming ng kanyang travel series na “Conan O’Brien Must Go,” na mapapanood sa HBO Max.