Couple goals talaga! Nililibot ng mag-asawang sina Dennis at Celine Murillo ang bansa gamit ang kanilang campervan para ipakita ang kagandahan at magbahagi ng mga kaalaman tungkol sa kalikasan.
Hangad ng mag-asawa na ma-inspire ang mga tao na protektahan at mapangalagaan ang planeta kaya gumagawa sila ng entertaining at educational videos tungkol sa kanilang pag-iikot at mga outdoor adventures na kanila namang pinopost sa kanilang mga social media platforms.
Mayroon na silang 16,000 subscribers sa YouTube at may higit kumulang na 700,000 followers naman si Celine sa kanyang TikTok at Facebook accounts.
Dito mapapanood ang kanilang mini docuseries, mga videos at mga litrato ng kanilang mga encounters sa iba’t ibang mga hayop, mga bulaklak at halaman at iba pang matatagpuan sa wildlife.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News, inalala ni Celine ang unang pagkakataong masilayan niya ang kapa-kapa, isang rare na bulaklak nang bumisita sila sa Makiling Botanic Gardens. Anya, napatakbo at napahiyaw siya sa saya na parang nakita na niya ang kanyang ultimate K-pop idol.
“We humans are part of the natural world. I think we have forgotten this simple fact,” ani Celine.
“Whatever we do to the environment and other creatures will eventually come back to us, as evident in the triple ecological crises of climate change, biodiversity loss, and pollution. All are human-induced, essentially karma,” dagdag pa niya.