Must-have item ngayon! Emergency go bags ng Pasig City, inulan ng papuri mula sa netizens

Pinuri ng netizens ang emergency go bags na ipinamahagi ng Pasig City local government noong Enero dahil malaki ang naitulong nito sa mga residente nang bahain ang Metro Manila dahil sa Bagyong Carina.

Matagal nang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang mga emergency go bags sa mga residente nito pero bidang bida ito ngayon sa internet.

Paano ba naman, maraming mga netizens ang pumupuri ngayon dito pati na rin sa Pasig City government, sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto, dahil sobrang naging kapakipakinabang ang go bags nitong nagdaang pagbaha dahil sa Bagyong Carina.

Makikita sa isang viral photo sa Facebook na isang residente ang lumulusong sa gitna ng baha sukbit-sukbit ang asul na go bag.

“Kudos sa Pasig LGU at kay Mayor Vico Sotto for thinking ahead dahil napakalaking tulong ng Emergency Go Bag sa Calamity na nagdaan,” ang post ni Patrick Ian sa Facebook.

Bakit nga ba umani ng papuri ang go bag na ito? Sinuri ni video creator na si Gadget Addict ang mga laman nito sa isang video at makikitang kumpletos rekados ang go bag na ipinamahagi sa mga Pasigueños Enero nitong taon.

Bukod sa first aid kit na may kasama pang heavy-duty scissors, meron din itong emergency blanket, triangular bandage at self-powered flashlight. May pito at glow sticks pa na napaka praktikal lalo na kung kinakailangan ng rescue sa dilim.

Higit sa lahat, ang pinaka-bag mismo ay pwede magamit bilang salbabida!

“Not only is this a dry bag that keeps everything inside dry, but as you can see, it can also act as a floating device. If you put some air in there, fold it up, and then you can actually use this to help you float,” ani Gadget Addict.

Umani ng iba-ibang papuri at paghanga mula sa netizens ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan:

“This was distributed prior to rainy season in preparation for La Niña. No politician name, no giant picture, no picturetaking done when it was handed door to door.(Mind you delivered door to door). True Public Service.”

“This is also a big help to keep important documents dry as well as your gadgets should a sudden rise of water happens. Yes, I hope this will be done [in] other municipalities.”

“This is when you serve with a heart and a sense of reality for your constituents. Kudos to Mayor Vico Sotto!”

“If Pasig can do it, why not the other Big Cities in the Metro?”

Bakit nga ba hindi?